balot ng karimlan, sa bantayog na tago, nagmamasid, sinisilip ang di mapigilang pag-usbong ng bagong pag-ibig. umuulan ng makikinang na bagay, rosas nakasaboy sa lapag. dalawang nilalang na nagyapos sa tuwa sa saliw ng mga kantang sinasabi ang hindi mabanggit. sa gitna ng kanilang tuwa, sa gitna ng kadiliman, malayo ang loob ko sa pantasyang pinatotoo. iginuhit ng panahon na di ko makamtan ang nasasaksihan. walang lungkot, walang kirot. wala. hindi rin matanto ng isip ang lamig na ganito sa gitna ng kanilang init. iba na nga ako sa kanila, sa kanilang nagsisimula pa lang malaman kung ano ang tumulay, tumaya, tumahan sa ngalan ng pag-ibig. malayo ako, malayong malayo na nabura na sa isip at damdamin ang kalagayang nakita.
stinky ideas
ramblings of the conscious and the unconscious, the venue for the creative spirit to unleash it's perfume, liked or not...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home