Monday, December 12, 2005

pananahan

Dumating na
ang oras ng pagbitaw,
para dumanas ng di inaasahan.

Ibubulalas,
loob na kinimkim
sa bagong sisidlan

umaasang hindi na
mababasag o masisira;
mag-iingat sa paglimlim.

Sa kanlungan
nilalaan
ang kahihinatnan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home