Thursday, September 23, 2004

hindi pala ikaw

hindi pala ikaw
ang itinadhana ng langit...
wala ka sa disenyo ng kosmos
na nagtatahi sa akin sa malaking
lambat ng buhay

ngunit dadaan ka na parang bulalakaw
na mainit at lalamig...
isang pangarap na matatapos
sa isang iglap
ngunit nagbigay ningning na panandalian

hindi ikaw ang naghihintay sa dulo ng daan
pero kailangan kong likuan…
gusto kong huminto at masilayan
ang nakakapukaw na misteryo
ng iyong pagpapakita

malinaw na hindi ikaw...
pero mananatiling ikaw hanggang sa
hayaan ng panahon na limutin kita…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home