tampo
Dahil sa kakitiran ng utak
Dahil sa bugso ng damdamin
May mga salitang akong nasambit
At nakasakit
Sa isang iglap, nagbago lahat
Parang itinali sa kadena kaya
Lumubog ang damdamin
At tanong ay bakit
Kahit gustong bawiin
Luha’y di mapigil
Hindi magawang huminahon
At saka pumikit
Sana maalis na itong kirot
At mapatawad ng husto
Sa di pagkaka-unawaan
Dahil sa isang hirit
0 Comments:
Post a Comment
<< Home