Sunday, August 22, 2004

an ode to my mother

Patapon ba ang buhay ko kapag sinabi ko
Na mas importante ang mga oras na
Nilalaan na makinig sa isang kaibigan
Kaysa ayusin ang di ko matapos-tapos
Na gulo ng kwarto ko?

Patapon ba ang buhay ko na sa tensyon ng trabaho
Mas gusto kong matulog at tumulala sa kawalan
Kahit nag-iipon ng alikabok ang mga eskaparateng
Walang buhay at nandiyan lang?

Patapon na ba ang buhay ko dahil siyam na oras
Kong pag-iisip sa iba sa isang opisina ay isipin ko
Naman magliwaliw na maglakad ng mag-isa,
O kaya mag-‘unwind’ sa pagbabasa ng libro?

Patapon na ba ang buhay ko kung gusto kong
Magmahal at makapiling ang mga totoong tao
Kaysa pagtuunan ng pansin ang mga gamit na
Hindi gumagalaw at makakapaghintay?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home