Tuesday, September 12, 2006

palabas

sumusubaybay sa araw-araw
at walang sawang tinatangkilik
istorya ng buhay ng iba.

nag-aabang.

walang kasawaan sa paghintay
at minsa'y pagtuklas
na sana mawala ang mga ngiti

pero hindi.

kahibangang drama
sa masayang sine
na malayo pa ang katapusan

tagahanga.