Wednesday, July 28, 2004

yosi break

tahimik na pagtanaw
sa malawak na kawalan
hithit sa patpat at
hinanapan ng kahulugan
ang payapang binibigay ng
puting binubuga


sa pagkakatayo at
tahimik na kinalalagyan
kuliglig nagwawala
pagkatapos ng ulan
hanging malamig
na humahampas sa mukha

inuubos ang upos
sinasagad hanggang dulo
hilo sa usok na
nanunuot sa dugo
inapakan na ang bisyo
at ang sandaling katahimikan

28 july 04

Monday, July 19, 2004

Parang kulang ang salita
para mailarawan ang tamis ng pagsuyo
ng isang nagmamahal sa kanyang minamahal


Parang kulang ang salita para mabigkas
ang kalaliman ng pag-ibig na
nanatiling misteryo
 
Parang kulang ang salita
para sa nag-uumapaw na kaligayahan
sa tuwi-tuwina

Parang kulang din ang salita sa
maligalig na pakikipagbuno sa
hindi inaasahan

Parang kulang din ang salita sa
lalim ng pait na madarama sa isang
pagkawala

Parang kulang din ang salita sa
paalam na walang hanggang
dusa at lungkot

Kulang ang salita sa kahit ano’ng nasabi na
pero hindi pa rin nasasabi…

Tuesday, July 13, 2004

baffled

You who have breathed life to my soul
You who have blessed my spirit with wonder
You who have gifted me with creative fervor
You who have clothed my being with love

You who have heard my anguished cries
You who have received all of my hate
You who have seen my hopelessness
You who gave silence to my gravest prayers

Have not led me to a clear path
Have not shared my life’s purpose
Have sunk me to rock bottom
Have left me swinging at the edge of a cliff

aimlessly wandering a rocky journey
hopeless for a happy future
puzzled on a senseless existence
all questions remain unanswered


13 july 2004




Saturday, July 10, 2004

paano na?

Paano na kung lilisanin mo na ako
Na walang pangakong magbabalik pa?

Paano na kung maghahanap ako ng kausap
Sa gitna ng gabi at hindi mo na ako papakinggan?

Paano na kung nanlalamig ang mga kamay ko
At wala akong ibang makakapitan?

Paano na kung sa tindi ng lungkot
Hindi ko mahanap ang iyong mga ngiti?

Paano na kung ako’y natatakot at
Hindi ko maramdaman ang yakap mong mahigpit?

Paano na kung ako’y nangungulila at hindi ko
Madama ang init ng iyong halik?

Paano na nga ba? Lagi na lang akong nag-iisa..

10 july 04

melancholy

Gusts of wind that slap the face
Hair gets caught in the mouth
Salt that flows over the eyes

A quiver trembles the lips
A sigh that escapes the breath
It seeps under the skin

Cold that touches goosebumps
Space devoid of joy
Brow over a frown

Hollow is the gaze
Limp in the limbs
Farewell to a smile...

...for a time.

04 jan 04

Tuesday, July 06, 2004

Borrowed Heaven (apologies to The Corrs)

Stares of awestruck eyes
Unbelieving, dazed
Of the presence of a beloved
Mind reeling in attempting
to freeze the sweetness of a smile

Pulses race
Nervous laughter erupts
Hands meet and tightly squeeze for assurance
Skin tingles, body shivers from
the undeniable chemistry

A kiss and a sigh
Of wanting more
Crushing hugs and gentle whispers
envelop the lonely soul
Traces of tears behind the mask...

Gripping the edge
Clawing at empty air
Resisting hasty exits
Of sad goodbyes
Time slips away...

01 july 04

Thursday, July 01, 2004

Paghanga (para kay Padre Ferriols, SJ)

Sa iyong mga mahinahong salita
Sa iyong madasaling pagtahimik
Sa lakad na puno ng pag-iingat

Sa mga misteryosong ngiti
Sa laging saludong pagbati
Sa minsang pagbibiro (na pabasahin ako ng Griyego!)

Sa haba ng pasensiya
Sa pagpapakumbaba
Sa iyong pagkilala sa isang ‘ordinaryong’ nilalang

Pagkabighani…
Pagkamangha…
Paghanga…

23 June 04