Saturday, May 27, 2006

love letter to no one part 2

i don't know if things will change if you knew the lengths my arms stretched just to reach out to you. you're a living embodiment of differance, the french philosophical term for the continuous deferment of meaning, a slippery living blob that avoids being pinned down. i just have to sigh when i remember how it is with you right now, and how things will be. the clarity of it all is beginning to dawn on me, and how other people are probably right about what they say about such behavior. your ivory tower has displayed its armaments, and i am giving up on ever climbing it. yes, i am close to shouting out my resignation. i'm too much of a coward to even tell you that i love you, because i'm dreading it won't really matter. i'm already betting 50% it won't. it won't matter to you that you are special to me, it won't matter to you that i loved you the very first time i saw you :(

Monday, May 22, 2006

a dream

the more i try to recall, the more that it slips away like fine sand through my fingers. must have been the pent-up longing of you to materialize, to be tangible. you stand at my doorpost, staring intently at me, looking serious even. next scene: lying side by side. my eyes are closed, feeling the phantom kiss that searches my lips. emotions are absent, just the tactile feeling of soft flesh sucking gently and tasting each lip. i forgot if our bodies ever touched...i forgot. next scene: my sister barging in the room, our make-out interrupted. you spring to sit-up, and then details are forgotten.

it wasn't the kind of dream that pretends that someone you want to be there is replaced by a different person but is still that person you wanted to be with.

in my dream, it was really you.

too bad i only get to meet you in dreams. till then...

till then.

Tuesday, May 02, 2006

sulat ng konsiyensiya

Bakas sa 'yong mukha ang pagka-ulilang nakakaawa, sa pagtaghoy gabi-gabi na siya ang para sa 'yo. Iniisip ko, kung para sa'yo siya, ba't parang hindi niya alam? Hihintayin mong matauhan? Tanga. Lungkot na lungkot ka, kasi wala kang uuwian ngayong uwian na. Nakalagay pa rin ang alaala niya sa tuktok ng eskaparate kung saan nilalagay mo rin ang mga pangarap mo. Pero sa lahat ng nakalagay doon, yung sa kanya lang ang malabong matupad. Pilit mong iniintindi na may posibilidad, pilit mong iniintindi kung bakit hindi. Naaasar ka na dahil pumili ka na, kahit may mga iba pang putahe ang naalay sa iyo. Mas gusto mo pa rin ang "comfort food" mo. Sana baguhin mo na ang panlasa mo, dahil tatabang lang yan hanggang mawala na ang tamis. Parang bubblegum. Nasipsip mo na ang lahat ng kailangan, kaya wala na siyang silbi. Itapon mo na. Nangalahati ka na ba sa pag-nguya mo? Itinapon mo na nga, sinubo mo ulit. Magandang gawain iyan. Hindi talaga siguro mangyayari ang pagka-tuto hanggang hindi ka pa nalalason. Hanggang hindi mo nalalaman na masama ang isang bagay sa iyo. Maging ang tao nakakasama. Lohikal na pag-iisip ang mag-desisyong lumayo sa mga taong hindi nakakabuti sa iyo. Hindi lubusang maiintindihan ng puso ang kalinawan ng pag-iisip, kasi nakabase sa damdamin ang galaw nito. Ang hiwaga na hindi maiintindihan. Kaya't ang kaya lang intindihin ang gawin mo. Huwag mo nang piliting tahakin ang hindi mo kakayanin. Mamamalas mo ang liwanag ng buhay sa mga malinaw na sagot, hindi ng atras-abanteng nararanasan mo. Walang makapipigil sa isang taong umiibig at gustong umibig. Sa ayaw…wala ring makapipigil sa kanya. Huwag mo lang hayaan ang sarili mong maghintay dahil baka hindi ikaw ang hinihintay niya. Iba pala.

Sinasabihan ka na niya na matuwa na sa buhay mo, hindi pa ba sapat iyon? Namumuhay siyang masaya na wala ka, namumuhay ka na may nakalaan pang pwesto sa tabi mo na hindi niya hangad. Malinaw pa sa sikat ng araw ito. Tumatango ka na. Sana tanggapin mo na ang buong katotohanan. Nasa kalahati ka na. May huli ka pang mga barahang ibabagsak kung bibigyan ng pagkakataon. Tapusin mo na ang laro. Mas mahirap na taya ang nagawa mo na noon, ano ang hihirap pa sa paglakad palayo? Sana sa susunod na gawin mo ito, wag ka na lumingon. Tumatawag lang siya. Hindi siya naghahabol. Hindi ka rin naman niya hahabulin, huwag na lang. Ang talagang mahalaga ay hindi hinahayaan na lang. Hindi ka maghihintay kung kelan ka handa. Dahil hindi kailan man posible ang maging handa sa kahit anong bagay o pangyayari. Hinayaan ka na niya mawala minsan, hahayaan ka lang niya ulit. Katulad ngayon. At sa uulitin. Umuwi ka na sa katahimikan, kahit walang uuwian..